Lalo pang humina at isa na lamang Low Pressure Area (LPA) ang bagyong Lando.
Huli itong namataan sa layong 120 kilometro sa timog silangan ng Basco Batanes.
Bagamat inalis na ang lahat ng mga storm warning signal, posible pa ring makaranas ng mga mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos Region partikular sa Aparri, Laoag, Vigan Calayan at Babuyan Group of Islands.
Sisikat na rin ang araw sa Baguio ngunit may tiyansa pa rin ng mahinang pag-ulan at isolated thunderstorms.
Makararanas naman ng maaliwalas na panahon ang nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.
Wala namang nakikitang bagong sama ng panahon na posibleng pumasok sa Phillipine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa susunod na tatlong araw.
By Mariboy Ysibido