Bagama’t humina, mabagal pa ring kumikilos ang bagyong Lando habang nananalasa ito sa Nueva Ecija at nagbabanta naman sa Cordillera Region.
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyong Lando sa bisinidad ng Carranglan, Nueva Ecija.
Taglay pa rin nito ang pinakamalakas na hanging aabot sa 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot naman 185 kilometro bawat oras.
Mabagal na kumikilos ang bagyong lando sa direksyong pa-kanluran, Hilagang Kanluran sa bilis na 5 kilometro bawat oras
Nakataas pa rin ang babala ng bagyo bilang 3 sa mga lalawigan ng Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, La Union at Pangasinan.
Signal number 2 naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Island, Abra, Isabela, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Hilagang Quezon kabilang na ang Polilio Island at Metro Manila.
Nakataas ang babala ng bagyo bilang isa sa mga lalawigan ng Batanes, Cavite, Laguna, Batangas at ang nalalabing bahagi ng Quezon.
By: Jaymark Dagala