Napanatili ng bagyong Lando ang kanyang lakas habang kumikilos patungo sa dulong hilagang Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,280 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 80 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito ng pa-kanluran sa bilis na 22 kilometro bawat oras.
Sa ngayon ay wala pang nakataas na public storm warning signal ngunit asahan na itataas ito ng PAGASA mamayang hapon o gabi.
Samantala, bahagyang lumakas ang amihan kaya malamig na sa northern Luzon lalo na sa Baguio kung saan umabot na sa 16 degrees celsius ang temperatura.
Magiging maulap naman na mayroong mahinang pag-ulan sa central at southern Luzon kabilang ang Metro Manila.
Mas maulan sa Visayas lalo na sa Antique at Iloilo habang ang western section naman ng Mindanao ay makararanas ng kaunting pag-ulan.
By Mariboy Ysibido