Napanatili ng bagyong Lando ang lakas nito habang patuloy namang lumalakas ang pagbabanta sa Isabela-Aurora area.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Lando ay inaasahang magla-landfall sa Aurora-Isabela area mamayang gabi o bukas ng umaga.
Ang sentro ng bagyong Lando ay pinakahuling namataan sa layong 335 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Taglay ng bagyong Lando ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 185 kilometro kada oras.
Ang bagyong Lando ay tinatayang kikilos pa-kanluran sa bilis na 12 kilometro kada oras.
Bukas ng umaga, ang bagyong Lando ay tinatayang nasa vicinity ng Casiguran, Aurora.
Ang public storm signal number 3 ay nakataas sa aurora, quirino, isabela at pollilio island
Nakataas naman ang public storm signal number 2 sa northern Quezon, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, La Union, Benguet, Ifugao, Mt. Province, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga at Cagayan kabilang ang Babuyan at Calayan Group of Islands.
Nasa public storm signal number 1 naman ang Batanes, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Bataan, Rizal, Batangas, Laguna, southern Quezon, Cavite, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Metro Manila.
No Classes
Suspendido ang klase sa lahat ng antas ngayong araw na ito sa Laguna at Cavite dahil sa bagyong Lando.
Mismong sina Laguna Governor Ramil Hernandez at Cavite Governor Jonvic Remulla ang nag-anunsyo ng class suspension sa Facebook.
Inaasahang uulanin ang mga nasabing lalawigan lalo na kapag nag-landfall na ang bagyong Lando sa Aurora-Quirino area mamayang gabi o bukas ng umaga.
By Judith Larino