Wala nang umiiral na tropical cyclone wind signal sa anomang bahagi ng bansa.
Gayunman, ayon sa Pagasa, palalakasain ng Bagyong Lannie ang Easterly flow sa Hilaga at Southwest flow naman sa Timog na magdadala ng pabugso-bugsong malakas na ulan at maalon na dagat.
Huling namataan ang sentro ng Bagyong Lannie 165 kilometro Kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 55 kilometro kada oras.
Inaasahang lalabas ang Bagyong Lannie ng Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules ng hapon o gabi.