Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na namataan sa Silangang bahagi ng Caraga at Davao Region.
Ayon sa PAGASA weather forecast, namataan ang Bagyong Lannie sa bahagi ng Silangang Surigao City, Surigao del Norte alas 3 kaninang madaling araw na may lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa hilagang-kanluran ng Surigao City sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Makakaranas ng pag-ulan na may kasamang hangin ang bahagi ng Visayas, MIMAROPA at Caraga Region.
Habang kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa bahagi ng Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Bulacan, Aurora, Bataan at iba pang bahagi ng Mindanao habang katamtamang pag-ulan naman sa natitirang bahagi ng Luzon.
Samantala, naitala naman ang signal no. 1 sa bahagi ng:
- Timog ng Masbate kabilang ang Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud;
- Timog bahagi ng Romblon kabilang ang Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose;
- Timog bahagi ng Oriental Mindoro kabilang ang Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong;
- Timog bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay;
- Hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli kasama ang Calamian and Cuyo Islands;
- Silangang Samar kabilang na ang Biliran; Leyte; Southern Leyte;
- Capiz;
- Aklan;
- Antique;
- Iloilo;
- Guimaras;
- Negros Occidental;
- Hilagang bahagi ng Negros Oriental kabilang ang Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City;
- Cebu;
- Bohol;
- Surigao del Norte;
- Dinagat Islands;
- Hilagang bahagi ng Agusan del Norte kabilang na ang Magallanes, Remedios T. ROMUALDEZ, City of Cabadbaran, Tubay, Santiago, Jabonga, Kitcharao, Butuan City;
- Hilagang bahagi din ng Agusan del Sur kabilang na ang Sibagat, City of Bayugan, Prosperidad; at
- Hilagang bahagi ng Surigao del Sur kabilang na ang San Miguel, Marihatag, San Agustin, Cagwait, Bayabas, Tago, City of Tandag, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal, Lianga.
Dahil dito, pinag-iingat ng pagasa ang publiko sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng bagyo.
– – sa panulat ni Angelica Doctolero