Nasa bahagi na ng Cuyo at Calamian islands sa Palawan ang bagyong Lannie.
Huling namataan ang bagyo sa layong 90 kilometers hilagang-kanluran ng Cuyo at tinutumbok ang West Philippine Sea.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 55 kilomters per hour.
Kumikilos ang naturang sama ng panahon pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilomters per hour.
Nakataas pa rin ang public storm signal number 1 sa southwestern portion ng Romblon, Southern Portion ng Oriental Mindoro, Southern Portion ng Occidental Mindoro at Northern portion ng Palawan;
Kabilang din ang Antique, Western portion ng Aklan at Southwestern portion ng Iloilo.—sa panulat ni Drew Nacino