Patuloy pang kinakalap ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga datos hinggil sa naging pananalasa ng bagyong Maring.
Ito’y makaraang makatikim ng hagupit ng bagyo ang maraming lugar sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog Region na nagresulta sa maghapon at magdamag na pagbuhos ng ulan.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng bagyo upang maplantsa ng mabuti ang kanilang ilalabas na datos.
Samantala, tiniyak naman ni Marasigan na walang direktang epekto sa Pilipinas ang bagyong Lannie na nasa typhoon category at tinutumbok ang direksyon patungong Taiwan.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE