Mas lalo pang lumakas ang bagyong ‘Lawin’ habang tinutumbok ang hilagang Luzon.
Huli itong namataan sa layong 535 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 205 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 255 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 26 na kilometro bawat oras.
Inaasahang magla-landfall ang bagyong ‘Lawin’ sa Cagayan area bukas ng Umaga, Oktubre 20.
Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes ng umaga, Oktubre 21.
Nakataas na ang tropical cyclone warning signal 2 sa Cagayan, Calayan Group of Islands, Isabela, northern Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya at Quirino.
Signal number 1 naman sa Batanes Group of Islands, La Union, Tarlac, Pangasinan, Nueva Ecija, natitirang bahagi ng Aurora, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern Quezon kasama ang Polillo Islands, Bataan, Rizal, Laguna, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Metro Manila.
Class suspension
Suspendido na ang klase sa ilang lugar sa Luzon dahil sa inaasahang magiging epekto ng bagyong Lawin.
Kabilang sa mga nagkansela ng klase sa lahat ng lebel ngayong araw na ito ang Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, La Trinidad, Benguet, Licuan – Baay, Abra at Makanyan, Benguet
Wala ring pasok all levels sa probinsya ng Isabela simula ngayong araw October 19 hanggang bukas October 20.
Inaasahan mag la-landfall ang bagyo sa bahagi ng Cagayan region Huwebes ng umaga.
By Jelbert Perdez | Rianne Briones