Bahagyang lumakas ang bagyong Liwayway habang kumikilos pa-hilaga sa bilis na 10 kilometers per hour (kph).
Huling namataan ang bagyo sa layong 490 kilometro hilagang-silangan ng Basco Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 190 kph.
Makaaapekto naman sa hilagang bahagi ng Luzon ang southwest monsoon o habagat habang isang Low Pressure Area (LPA) naman ang namataan sa layong 940 kilometro hilaga, hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Apektado ng habagat ang mga lugar ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Batanes maging sa Babuyan Group of Islands kaya’t makararanas ang mga ito ng maulat na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Kapwa makararanas din ng naturang panahon ang mga lugar ng Caraga, Northern Mindanao at Davao Region dahil sa trough o buntot ng LPA.
Makararanas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng bahagya hanggang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat buhos ng ulan, pagkulog at pagkidlat.