Patuloy ang mabagal na pagkilos ng Bagyong Liwayway sa ibabaw ng karagatan ng Pilipinas.
Ang sentro ng Bagyong Liwayway ay pinakahuling namataan sa layong 345 kilometro hilaga, hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay ng Bagyong Liwayway ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 130 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 160 kph.
Ang Bagyong Liwayway ay tinatayang mabagal na kikilos pa-hilaga, hilagang-silangan.
Ayon sa PAGASA, posibleng sa Biyernes o Sabado ay lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Liwayway.