Lalo pang lumakas ang Tropical Storm Liwayway at isa na ngayong Severe Tropical Storm.
Magdadala ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang bagyong Liwayway na may panaka-nakang malakas na buhos ng pag-ulan sa Apayao, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands at Batanes.
Makaaapekto rin ang habagat na magdadala naman ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang pag-ulan at minsa’y malakas na buhos na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, Clabarzon, northern portions ng Palawan kabilang ang Calamian Islands, Mindoro Provinces, at ang nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Liwayway sa layong 250 kilometro silangan, hilagang-silangan ng Calayan, Cagayan o 205 kilometro silangan, timog-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kph.
Kumikilos ito pa pa-hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 10 kph.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.
Pinapayuhan naman ang mga residente sa Batanes na mag-ingat dahil sa posibleng mararanasang malalakas na bugso ng hangin.