Lumakas pa ang Tropical Depression Liwayway na isa na ngayong Tropical Storm.
Ayon sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo 340 kilometro silangan, hilagang-silangan ng Daet, Camarines Norte o 455 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot naman sa 80 kph.
Kumikilos ang bagyong Liwayway pa-hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Magdadala ito ng kalat-kalat na katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands at Batanes.
Sa ngayon ay wala pang itinataas ng tropical cyclone wind signals ang PAGASA dahil sa bagyo.
Samantala, inaasahan namang makalalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Liwayway pagsapit ng Biyernes.