Nananatili ang lakas ng typhoon Liwayway habang papalabas na ng bansa at tinatahak ang bahaging timog ng Ryukyu Islands.
Ayon sa inilabas ng PAGASA Severe Weather Bulletin no. 12 Miyerkules ng gabi, huling namataan ang typhoon Liwayway 470 kilometro Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometro kada oras at bugsong 170 kilometro naman kada oaras.
Asahan pa rin ang pag ulan sa ilang lugar tulad ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa Habagat.
Nagbabala rin ang pagasa sa posibleng flashfloods at landslides sa mga lugar na apektado ng habagat.
Inaasahan namang lalabas ang typhoon Liwayway sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Huwebes ng hapon hanggang gabi.
Samantala, may namamataang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao at mababa ang tiyansang maging bagyo ang LPA sa susunod na 48 oras.
Sa panulat ni Lyn Legarteja