Nakalabas na ng bansa ang bagyong Luis na lalo pang lumakas at isa ng ganap na Severe Tropical Storm.
As of 11am kanina, huling namataan ang bagyo sa layong 1,130 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 km/h na kumikilos pahilaga sa bilis na 20 km/h.
Kaninang alas-9 ng umaga lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo na inaasahang tutungo sa karagatan sa silangan ng Ryukyu islands.
Sa ngayon, bagaman wala ng epekto sa ating bansa ang Bagyong Luis, low pressure area naman ang magdadala ng pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga, at Bohol.
Uulanin din ang metro manila at nalalabing bahagi ng bansa pero dahil ito sa localized thunderstorm.