Nagbabanta sa Mexico ang mala-supertyphoon Haiyan o Yolanda sa Pacific Coast ng Mexico.
Ayon sa US National Hurricane Center, ang hurricane Patricia ay siyang pinakamalakas na bagyong tatama sa western hemisphere na kasing lakas ng bagyong Yolanda na tumama sa Pilipinas noong 2013 na ikinasawi ng libu-libo katao.
Batay sa forecast, inaasahang tatama ang hurricane Patricia sa western state ng Jalisco na inaasahang magdadala ng napakalalakas na ulan na maaaring magdulot ng flash floods at mudslides.
Pinag-iingat din ng US Center ang mga mamamayan sa Mexico sa malalakas na alon at pag-apaw ng dagat dahil sa bagsik ng bagyo.
Dahil dito, sinimulan na ang sapilitang paglilikas sa mga residente at mga turista sa Pacific Coast ng Mexico.
By Ralph Obina