Bahagyang humina ang bagyong Marilyn habang bumilis na kumikilos sa direksyong pa-hilagang silangan.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,135 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pabugsong papalo sa 175 kilometro kada oras.
Inaasahang sa Huwebes ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Kasalukuyang wala pang storm signal ang nakataas sa saan mang panig ng bansa.
By Ralph Obina