Bahagyang humina at bumagal ang bagyong Marilyn matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), kahapon.
Huling namataan ng Philippine Administration Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa layong 913 kilometro, silangan hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes o 1175 kilometro, silangan ng Baler, Aurora.
Taglay ng bagyong Marilyn ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometro bawat oras at pagbugso na hanggang 195 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyong pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na dalawampung kilometro bawat oras.
Dahil dito, asahan na ang pag-ulan sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, ilang bahagi ng Mindanao, Bicol Region maging sa silangan at gitnang Visayas.
Hinahatak ng nabanggit na sama ng panahon ang mga kaulapan na nagmumula sa kanluran na maghahatid naman ng mga pag-ulan.
By Drew Nacino