Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa bansa dala ng Tropical Depression Marilyn.
Huling namataan ang sentro ng Bagyong Marilyn sa layong 1,070 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
May lakas ito ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 70 kph.
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa Bagyong Marilyn at sa umiiral na Habagat.
Posible namang makaranas ng flashfloods at landslides dahil sa pabugso-bugsong malakas na buhos ng ulan.