Bahagya nang humina ang bagyong Marilyn habang kumikilos patungong kanluran-hilagang kanluran.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong mahigit 1,000 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora.
May lakas itong 175 kada oras hanggang 160 kada oras malapit gitna at pagbugsong aabot sa 210 kada oras hanggang 195 kada oras.
Sinasabing hindi na magla-landfall ang bagyong Marilyn at inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility o PAR sa Miyerkules ng gabi.
By Jelbert Perdez