Pinalakas ng bagyong Marilyn ang amihan na nagpapalamig sa bansa.
Sa isang panayam sinabi ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Forecaster Robert Badrina na magdadala ito ng mahinang pag-ulan sa lalawigan ng Cagayan at Batanes.
Sa pagkilos nito sa pa-hilagang silangan ay mas mararamdaman na ang amihan.
Maliit ang tsansang tumama si Marilyn sa kalupaan dahil may kalayuan ito at hindi gaanong kalaki.
Nakataas naman ang gale warning sa northern at eastern seaboards ng Luzon maging sa northern at eastern seaboards ng Samar province kaya pinapayuhan ang mga kababayan na huwag munang pumalaot.
By Mariboy Ysibido