Humina na ang bagyong Marilyn habang kumikilos papalapit sa eastern boundary ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Ang sentro ng bagyong Marilyn ay pinakahuling namataan sa layong 1,360 kilometro silangan ng Calayan Island.
Taglay ng bagyong Marilyn ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 140 kilometro kada oras.
Ang bagyong Marilyn ay tinatayang kikilos pa-hilagang silangan sa bilis na 11 kilometro kada oras.
Mamayang gabi, ang bagyong Marilyn ay inaasahang nasa layong 1,515 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes o nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.
By Judith Larino