Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang mga bagyong Maring at Lannie, kahapon.
Dakong alas-4:00 ng hapon nang huling namataan ang Tropical Storm Maring sa layong 460 kilometro, kanluran ng Iba, Zambales habang ang Bagyong Lannie ay namataan 640 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Ayon sa PAGASA, tinutumbok ng Tropical Storm Maring na may international name na Doksuri ang Vietnam habang patungong Japan at South-Eastern China ang bagyong Lannie na may international name na Talim.
Samantala, patuloy na minomonitor ng PAGASA ang isa pang sama ng panahon na maaaring maging isang Low Pressure Area o bagyo sa Silangan ng Pilipinas o nasa Pacific Ocean.
SMW: RPE