Nagsanib pwersa na ang bagyong Maring at Nando at kumikilos na pahilaga hilagang kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea.
Ang sentro ng bagyong Maring ay pinakahuling namataan sa layong 730 kilometers sa silangan ng Tuguegarao City.
Taglay ng bagyong maring ang lakas ng hangin na 85 kilometers kadas oras at may pagbugso na hanggang 105 kilometers kada oras.
Ang bagyong maring ay tinatayang kikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometers kada oras.
Nakataas ang signal no. 1 sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Hilagang Bahagi ng Benguet, Silangan at Hilagang Bahagi Ng Samar, Dinagat Islands at Surigao del Norte.