Bahagya pang lumakas ang bagyong maring habang tinutumbok ang West Philippine Sea (WPS).
Huling namataan ng pagasa ang bagyo sa layong 170km, kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100km/hr at pagbungso na hanggang 125km/hr at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20km/hr.
Nakataas pa rin ang public storm signal 2 sa Batanes, Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, Northern Portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Sur.
Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern Portion Ng Bataan at Northern Portion ng Quezon, kabilang ang Polillo Islands.
Asahan na ang malakas hanggang sa biglaang pag-ulan sa Batanes, Northern Portion ng Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, Cordillera at Ilocos Regions.
Posible naman ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Zambales, Bataan, Tarlac at nalalabing bahagi ng Cagayan habang mahina hanggang sa katamtaman at minsang malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Maring, ngayong umaga. —sa panulat ni Drew Nacino