Palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Maring.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 315 kilometro Kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 125 kilometro kada oras.
Kumikilos ang Bagyong Maring pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Sa ngayon ay nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Northern portion ng Isabel, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Signal number 1 naman sa iba pang bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecia, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern portion ng Bataan, Northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.