Patuloy ang paggalaw ng bagyong Maring habang nag iipon ng lakas sa susunod na 12 hanggang 24 na oras.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Maring ay posibleng lumakas bukas, araw ng Sabado at maging severe tropical storm sa Lunes ng umaga.
Ang sentro ng bagyong Maring ay pinakahuling namataan sa layong 495km silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay ng bagyong Maring ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55km/hr malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 70km/hr.
Ang bagyong Maring ay kumikilos pa timog kanluran sa bilis na 15km/hr.