Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) anumang araw ngayong linggo ang bagyong may international name na Kong-rey.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,600 kilometro, silangan ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 135 kilometro kada oras.
Kumikilos ang naturang sama ng panahon pa-hilaga-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Bagaman hindi direktang makaaapekto sa bansa, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas ang nabanggit na bagyo na papangalanang Queenie sa sandaling pumasok sa PAR.
—-