Asahan na ang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa trough ng bagyong may international name na ‘Mindulle’ at localized thunderstorms.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,600km, silangan ng dulong hilagang luzon o sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Bahagyang itong humina taglay ang lakas ng hanging aabot sa 185km/hr at pagbugso na hanggang 230km/hr.
Kikilos pahilagang-kanluran ang nasabing sama ng panahon sa bilis na 10km/hr at posibleng pumasok ng PAR ngayong araw at papangalanang ‘Lannie’.
Bagaman maaaring lumabas din agad ng bansa ang bagyo, asahan na ang malalaking alon sa northern at eastern luzon. —sa panulat ni Drew Nacino