Posibleng pumasok ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong may international name na Nyatoh, mamayang hapon.
Huling namataan ng pagasa ang bagyo sa layong 1,330 kilometers, silangan ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 105 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sa sandali namang pumasok ng P.A.R. ang naturang sama ng panahon, papangalanan itong odette.
Gayunman, hindi ito magtatagal sa loob ng bansa at posibleng lumabas din sa susunod na isa o isa’t kalahating araw. —sa panulat ni Drew Nacino