Posibleng maging super typhoon ang bagyong nasa labas ng bansa na may international name na Maria.
Ayon kay Gener Quitlong ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, sa Lunes, Hulyo 9 inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo.
Tatawagin anya itong Gardo sa sandaling pumasok na sa bansa.
Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na tumama sa kalupaan ng Pilipinas ang bagyo dahil ang Southern Japan ang tinutumbok nito.
Gayunman, posibleng humigop umano ito ng hanging habagat na magdadala naman ng mga pag ulan.
—-