Lumakas na at isa nang tropical storm ang isa sa dalawang tropical depression na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Huling namataan ng PAGASA ang tropical storm Meari, 1,385 kilometro sa silangan Luzon.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugso na umaabot sa 80 kilometro kada oras at halos hindi ito kumikilos.
Samantala, huli naman namataan ng PAGASA ang ikalawang tropical depression sa layong 2,270 kilometro sa silangan ng Luzon.
Mayroong itong lakas ng hangin na maaring umabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na maaring umabot sa 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, nasa labas pa ng bansa ang dalawang sama ng panahon at hindi pa ito direktang nakakaapekto sa bansa.
By Katrina Valle