Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong may international name na Etau sa labas ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Ang nasabing bagyo ay pinakahuling namataan sa layong 1,795 kilometro silangan ng dulong hilagang Luzon.
Taglay ng nasabing bagyo ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.
Ang nasabing bagyo ay kumikilos sa bilis na 15 kilometro kada oras pa hilaga hilagang kanluran.
Sinabi ng PAGASA na mababa ang tiyansang pumasok sa PAR ang naturang bagyo at kung pumasok man ito ay wala namang malaking epekto sa lagay ng panahon sa bansa.
Samantala, apektado pa rin ng habagat ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao at mga probinsya ng Mindoro at Palawan.
By Judith Larino
Photo Credit: @PanahonTV