Bahagyang humina ang bagyong Neneng bagama’t bumilis ito habang tinatahak ang pa-kanluran timog kanlurang direksyon.
Ang sentro ng bagyong Neneng ay pinakahuling namataan sa layong 835 kilometers silangan ng dulong Hilagang Luzon.
Taglay ng bagyong Neneng ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 55 kilometers kada oras.
Ang bagyong Neneng ay kumikilos pa kanluran timog kanluran sa bilis na 25 kilometers kada oras.
Ayon sa PAGASA, posibleng maglabas sila ng mga lugar sa eastern portion ng Northern Luzon na nasa ilalim ng wind signal number 1 ngayong hapon dahil sa inaasahang malakas na hanging dulot ng bagyong Neneng.
Mamayang gabi o bukas ng umaga inaasahang kikilos pa kanluran timog kanluran ang bagyong Neneng at posibleng lumakas pa habang nasa ibabaw ng Philippine Sea.
Posibleng maabot din ng bagyong Neneng ang tropical storm category bukas ng gabi o linggo ng umaga.