Nakataas na sa Signal no. 2 ang 5 bahagi ng Luzon habang napanatili ang lakas ng Bagyong Neneng sa Babuyan Island.
As of 5am ngayong araw, taglay ng Bagyong Neneng ang pinakamalakas na hanging aabot sa 85 km kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 105 km kada oras
Ang Bagyong Neneng ay kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km kada oras.
Itinaas naman ang tropical cyclone wind signal no.2 sa mga sumusunod na lugar:
- Batanes
- Cagayan Kabilang ang Babuyan Islands
- Apayao
- Northern Portion ng Abra at,
- Ilocos Norte
Nasa ilalim naman ng tropical cyclone wind signal no. 1 ang northern portion ng Isabela kabilang ang Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas; Kalinga, natitirang bahagi ng Abra, northern portion ng Mountain Province kabilang ang Paracels, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc, Sagada, Besao; at northern portion ng Ilocos Sur kabilang ang Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Cagayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burogos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio Del Pilar, Galimuyod, city of Candon, Santa Lucia, Salcedo
Antabayanan ang update sa galaw ng Bagyong Neneng mamayang alas – 11 ng umaga. – sa panunulat ni Jenn Patrolla