Daan-daang libong residente ng Texas at Louisiana states sa Amerika ang apektado ng hurricane Nicholas.
Nagdulot ng malakas na pag-ulan ang bagyo kaya’t muling nalubog sa baha ilang bahagi ng Texas at Louisiana lalo ang mga nasa tabing-dagat at mababang lugar.
Kabilang sa mga nalubog sa hanggang dibdib na tubig ang lake Charles City sa Louisiana.
Mahigit 100K kabahayan din ang walang power supply habang putol ang malaking bahagi ng linya ng komunikasyon sa Texas.
Kinumpirma naman ni Governor John Bel Edwards na nasa 80K kabahayan na ang walang kuryente makaraang magbagsakan mga poste sa kanilang lugar.
Magugunitang nasalanta rin ng hurricane Ida ang Texas at louisiana noong Agosto.—sa panulat ni Hya Ludivico