Bumagal ang pagkilos ng Bagyong ‘Nimfa’ habang nasa hilagang bahagi ng Philippine Sea.
Huli itong namataan ng PAGASA sa layong 620 kilometers silangan, hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 10 kph.
Inaasahan itong makalalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga.
Magdadala naman ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat ng paminsan-minsang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may kasamang pahintu-hintong malakas na buhos ng ulan sa mga sumusunod na lugar:
- Bataan
- Cavite
- Batangas
- Occidental Mindoro
Pahintu-hintong mahina hanggang katamtamang pag-ulan at minsa’y malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa:
- Metro Manila
- Oriental Mindoro
- Marinduque
- northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian Islands
- nalalabing bahagi ng Central Luzon
- CALABARZON
Mapanganib ding pumalaot sa mga maliliit na sasakyang pandagat sa seabords ng Northern at Central Luzon maging sa eastern seabord ng Southern Luzon.