Patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Miyerkules, Setyembre 18, bunsod ng bagyong ‘Nimfa’.
Napapanatili ng Tropical Depression Nimfa ang lakas at bilis nito habang binabaybay ang karagatan ng bansa patungong Kanluran Hilagang-kanluran.
Batay sa pinakahuling tala ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyong Nimfa sa 685 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
May lakas ito ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (km/h) malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 km/h.
Asahan ang madalas na pag-ulan at thunderstorms sa Central Luzon, Batangas, Cavite, Occidental Mindoro, at hilagang parte ng Palawan: partikular ang Calamian; at Cuyo Islands.
Samantalang ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, at Visayas ay makakaranas naman ng kalat-kalat na mahina hanggang sa katamtamang at thunderstorms.