Lumakas ang bagyong Nina habang tinutumbok ang eastern Samar.
Huling namataan ng Philippien Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyo, 790 kilometro sa silangan ng Guian, Eastern Samar.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 105 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 130 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Ang bagyong Nina ay maaaring magdulot ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa mga lugar na nakapaloob sa 350 kilometer diameter ng bagyo.
Rescue and medical team
Idineploy na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 35 trak ng rescue at medical team sa Bicol region.
Sinabi ni Commander Armand Balilo, ang grupo ay tumulak na ngayong hapon, bilang paghahanda sa paglapit ng bagyong Nina.
Maliban sa Bicol region, nakahanda na rin, ayon kay Balilo ang mga kawani ng Coast Guard dito sa Maynila.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)