Nagbabanta sa Samar area ang bagyong “Nina” na may international name na “Nock-ten.”
Ito’y makaraang ganap nang makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo kaninang madaling araw.
Huling namataan ng PAGASA ang naturang bagyo sa layong 960 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 120 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometro kada oras sa direksyong kanluran hilagang-kanluran.
Kaugnay nito, pinaghahanda rin ng PAGASA ang mga taga-Luzon partikular na ang mga taga-Metro Manila hinggil sa posibleng pananalasa ng bagyong Nina.
Inaasahang magla-land fall ang bagyong Nina bukas, bisperas ng Pasko sa bahagi ng Catanduanes area at pinangangambahang tahakin nito ang direksyon patungong Metro Manila o southern Tagalog region.
By Jelbert Perdez | Jaymark Dagala