Tinanggal na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lahat ng nakataas na public storm signal sa maraming lalawigan kasunod ng paghina ng bagyong Nina.
Batay sa pinakahuling tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Nina sa layong 360 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.
Taglay ng bagyong Nina ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 150 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyong Nina pa-kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.
Sa patuloy na paghina at paglayo sa bansa ng bagyo, sinabi ng PAGASA na posibleng makalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.
By Jaymark Dagala