Ang bagyong Nona ay bahagyang humina at mabagal na kumikilos pa West Philippine Sea.
Ang sentro ng bagyong Nona ay pinakahuling namataan sa layong 90 kilometro kanluran ng Ternate, Cavite.
Taglay ng bagyong Nona ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 150 kilometro kada oras.
Ang bagyong Nona ay kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro kada oras.
Bukas ng umaga, ang bagyong Nona ay nasa layong 270 kilometro kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Ang bagyong Nona ay inaasahang magiging tropical depression sa Biyernes at magiging LPA sa Sabado.
Nasa public storm signal number 2 naman ang Bataan, Southern Zambales, Cavite, Batangas at Lubang Island.
Samantala, nakataas ang public storm signal number 1 sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Zambales, Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Oriental at Occidental Mindoro.
By Judith Larino