Lima (5) ang patay habang dalawa ang nawawala sa Nueva Vizcaya dahil sa bagyong Nona.
Ayon sa ulat, lahat ng mga nasawi at nawawala ay mula sa bayan ng Alfonso Castañeda.
Samantala, ilang kalsada pa rin sa naturang bayan ang di madaanan dahil sa mga debris at mga nagtumbahang punong nakaharang dahil sa lakas ng hanging dala noon ng bagyo.
Kasalukuyang nagsasagawa ng clearing at relief operations ang mga otoridad sa Nueva Ecija.
Tinatayang nasa 100 pamilya ang nananatili pa ngayon sa evacuation center sa naturang lalawigan.
By Ralph Obina