(Updated)
Nag-landfall na ang bagyong Nona sa Batag Island, northern Samar.
Ang sentro ng bagyong Nona ay pinakahuling namataan sa layong 85 kilomtero silangan ng Catarman, northern Samar.
Nananatili ang lakas ng bagyong Nona sa 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 185 kilometro kada oras.
Inaasahang kikilos ang nasabing bagyo malapit sa Sorgoson-Samar areas sa bilis na 17 kilometro kada oras at ang mata ng bagyo ay lumalapit na sa Samar.
Inaasahan naman ang second landfall sa Sorsogon mamayang gabi.
Bukas ng umaga, ang mata ng bagyo ay inaasahang nasa Marinduque.
Ang public storm signal number 3 ay nakataas sa Albay, Catanduanes at Camarines Sur.
Ang public storm signal number 2 ay nakataas sa Leyte, Romblon, Marinduque, Oriental at Occidental Mindoro, Batangas, Laguna at southern Quezon.
Nasa public storm signal number 1 naman ang Metro Manila, southern Luzon, Dinagat at Siargao Islands, Northern Cebu, Northern Negros Occidental, Capiz at Aklan.
Muling nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng flashflood at landslides sa mga lugar na apektado ng bagyong Nona.
By Judith Larino