Nagpaliwanag ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kung bakit pinalitan nila ang pangalan ng bagyo na nasa loob na ngayon ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
LPA pa lamang kasi at nasa labas pa lang ng PAR, una nang sinabi ng PAGASA na papangalanan nila itong “Nonoy” kapag naging bagyo at pumasok sa PAR.
Pero ngayong araw inanunsyo ng PAGASA na tatawagin ng “Nona” ang bagyo sa halip na “Nonoy”.
Paliwanag ni PAGASA Forecaster Shelly Ignacio, sinadya nilang palitan ang typhoon name bilang paggalang sa pinakamataas na opisyal ng bansa na si Pangulong Noynoy Aquino.
Dagdag pa ni Ignacio, ginawa na nila ang ganitong klaseng hakbang noong administrasyong Arroyo kung saan ang bagyong Gloria ay tinawag na lamang nila na bagyong Glenda.
By Jonathan Andal