Tuluyan nang humina ang tropical depression Nona.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 60 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna habang stationary na lamang ang posisyon ng bagyong Nona.
Nakataas ang public storm signal number one sa Pangasinan at Zambales.
Samantala, lumakas ang bagyong Onyok habang kumikilos pa-kanluran at tinutumbok ang Eastern Mindanao.
Namataan ang bagyo sa layong 700 kilometro, silangan hilagang-silangan ng Mati City sa Davao Oriental.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.
Inaasahan itong kikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
By Meann Tanbio