Patuloy na kumikilos ang Bagyong Obet papalayo sa Batanes habang inaasahan itong lalabas ng bansa na ngayong araw na ito.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng Bagyong Obet ay natukoy sa layong 135 kilometers kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay ng Bagyong Obet ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometers malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 55 kilometers kada oras.
Nakataas ang Tropical Wind Cyclone Signal no. 1 sa Batanes at Babuyan Island. —sa panulat ni Jenn Patrolla