Humina na ang Bagyong Odette kung saan, naitala ang ika-walong pag-landfall nito sa La Libertad, Negros Oriental kaninang alas dose ng madaling araw.
Ang layo ng sentro ng bagyo ay nasa 75 kilometers Southwest ng Iloilo City na may lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 235 kilometers per hour at kumikilos pa kanlurang bahagi sa bilis na 35 kilometers per hour.
Sa ngayon ibinaba na sa Signal no. 3 ang ilang lugar sa Luzon kabilang na dito ang Northern Portion ng Palawan kabilang na ang Cagayancillo at Cuyo Islands.
Apektado din ng Signal no. 3 ang ilang lugar sa Visayas kabilang na ang Guimaras, Southern portion ng Iloilo at Antique, Central at Southern portions ng Negros Occidental at Central portion ng Negros Oriental.
Signal no. 2 naman sa Southern part ng Oriental at Occidental Mindoro, Romblon, Southern portion ng Masbate, Central portion ng Palawan kabilang na ang Kalayaan at Calamian Islands
Sa Visayas, apektado ng Signal no. 2 ang Aklan, Capiz, nalalabing bahagi ng Antique, Iloilo, Negros Oriental, Negros Occidental, Cebu, Siquijor at Western portion ng Bohol.
Signal no. 1 naman sa ilang lugar sa Luzon kabilang na ang Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, nalalabing bahagi ng Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands, Marinduque, Southern part ng Quezon Province, nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Islands, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, Palawan, at Batangas.
Apektado din ng Signal no. 1 ang Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at nalalabing bahagi pa ng Bohol.
Sa Mindanao, apektado ang Dinagat Islands, Surigao Del Norte, Agusan Del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, Lanao Del Norte, Misamis Occidental, Northern portion ng Zamboanga at Northern portion ng Zamboanga Del Sur.