(As of 5:00 PM)
Lumakas pa ang bagyong ’Odette’ na ngayo’y isa nang severe tropical storm at patungo na sa West Philippine Sea.
Ayon sa huling tala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 205 kilometro kanlurang bahagi ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometro kada oras at may pagbugsong 113 kilometro kada oras.
Nakataas ang Signal No. 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes at Babuyan group of Islands.
Inaasahan namang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong ‘Odette’ ngayong gabi hanggang bukas ng umaga.