Umabot na sa mahigit 20,000 kabahayan ang nasira dahil sa Bagyong Odette.
Batay sa datos na inilabas ng Department Of Social Welfare And Developmen(DSWD), nasa mahigit 400,000 ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Habang nasa mahigit 100 pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kaanak at kaibigan.
Nasa 14 milyong piso na ang naipagkaloob na tulong ng DSWD, Local Government Units (LGUS), at National Government Organizations (NGOs) sa mga nasalanta ng bagyo.